Dead on the spot ang chief of police ng bayan ng Carmen, Cotabato matapos mapasabak sa engkuwentro kaninang umaga.
Kinilala ni P/LtC. Lino Capillan, Public Information Office Chief ng Police Regional Office 12 ang biktimang si P/Maj. Joan Resurrecion.
Nabatid na pinamumunuan ni Ressurecion ang hot-pursuit operations nang mabaril ng hindi pa tukoy na salarin sa Quarry Site, Sitio Tawan-tawan, Poblacion sa nasabing bayan.
Nagawa pang isugod sa ospital ang biktimang pulis subalit hindi na ito umabot pa ng buhay dahil sa tindi ng pinsalang tinamo nito.