Nalambat ng mga tauhan ng PNP Integrity Moirotisng and Enforcement Group o IMEG ang Hepe ng Godod Municipal Police Station sa Zamboanga del Norte matapos na ireklamo ng pangngikil
Kinilala ni IMEG Diector P/BGen. Ronald Lee ang naarestong si P/Capt. Haran Ulah habang ang nagrereklamo naman ay nakilalang si Jose Abarca na residente rin sa nasabing bayan
Ayon kay Lee, batay sa reklamo ni Abarca, hinihingan umano siya ni Ulah ng Sampung Libong piso kapalit ng pagpayag nito na makapagkasa siya ng treasure hunting sa sa Sitio Riverside, Brgy Raba sa nasabing bayan
Sa ikinasang operasyon ng PNP, positibong tinanggap ni Ulah ang limang libong pisong marked money mula kay Abarca na nagresulta sa agarang pagkdakip dito
Kasunod nito, muling binigyang diin ni Lee ang kautusan ni PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa hinggil sa mas pinaigting na internal cleansing sa kanilang hanay sa panahon ng kaniyang panunungkulan kaya’t umapila ito ng pakikiisa sa publiko para magtagumpay ang kanilang kampaniya