Dead-on-the spot si Sulu Provincial Police Director, Col. Michael Bayawan matapos pagbabarilin habang nasa isang quarantine control point o QCP sa Jolo.
Ayon kay Sulu Governor Abdusakur Tan, dakong alas-4 ng hapon nang paulanan ng bala ang 49 anyos na opisyal sa barangay Asturias.
Kinilala ang suspek na si Staff Sergeant Imran Jilah na kalauna’y pinagbabaril at napatay rin ng mga kabaro nito.
Nag-i-inspeksyon aniya si Bayawan sa QCP nang sitahin si Jilah dahil sa mahaba nitong buhok na nauwi sa argumento kaya’t bumunot ng long rifle ang sarhento at niratrat ang biktima.
Bago ang insidente ay sinita ng hepe si Jilah at makalipas ang ilang araw ay nagdala ng gunting si Bawayan upang gupitan ang suspek, pero mga bala ng baril ang isinagot nito sa kanyang superior.
Si Bayawan ang hepe ng Sulu Provincial Police Office nang maganap ang misencounter na ikinasawi ng 4 na sundalo na miyembro ng intelligence unit ng AFP.—sa panulat ni Drew Nacino