Pabor si National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa na ilagay na sa mas maluwag na alert level ang bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Herbosa na marami na ang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19 at patuloy rin ang pagbaba ng mga kaso.
Gayunman, pinangangambahan pa rin ang posibleng muling pagsipa ng mga kaso ng virus lalo’t panahon ngayon ng pangangampanya.