Naabot na ng lima mula sa 17 Local Government Units sa Metro Manila ang herd immunity laban sa COVID-19.
Ito ang mga lungsod ng San Juan, Las Piñas, Marikina, Mandaluyong at Taguig, na pawang naabot na ang mahigit 70% total vaccinated population.
Batay sa datos ng DOH at IATF 98,590 na ang fully vaccinated o 74.4% ng populasyon sa San Juan, na pinaka maliit na lungsod sa bansa; 417,921 sa Las Piñas o 70.3% ng kanilang populasyon;
Taguig, 608,845 o 70% ng populasyon; Mandaluyong, 420,050 o 70% ng target population at Marikina, 382,000 o 78% ng target population.
Magugunitang kinalampag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Alkalde na paspasan na ang vaccination sa kanilang mga lugar upang makamit ang 70% herd immunity sa katapusan ng taon.—sa panulat ni Drew Nacino