Malabo pang maabot ng Pilipinas ang herd immunity para sa mga nabakunahan kontra COVID-19.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dr. Ted Herbosa, Special Adviser ng National Task Force Against COVID-19 na batay sa huling tala ay nasa 51M pilipino pa lamang ang fully vaccinated at 2.8M ang nakakatanggap ng booster shot.
Malayo pa ito sa kabuuang bilang ng mga pilipino na kailangang mabakunahan na nasa 110M.
Samantala, para naman sa posibleng pagtaas pa sa alert level 4 ng Metro Manila, sinabi ni Herbosa na posible itong ipatupad.
Nangungunang dahilan ang pagdami ng nagkakasakit lalo na ang mild cases at asymptomatic.
Nitong linggo, aabot sa 28,707 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa dahilan para sumampa na sa 2,965,447 ang kabuuang kaso. —sa panulat ni abigail Malanday