Mahihirapang maabot ang herd immunity kung maraming Pilipino ang hindi magpapabakuna kontra COVID-19.
Ito’y dahil marami pa rin ang nag-aalinlangan magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire, maaaring hindi umabot sa target na ma-achieve ang herd immunity ng bansa.
Dagdag pa ni Vergeire, isa itong moral obligation na kailangan magpabakuna ang lahat at ‘wag na hintayin pa ang “best vaccine”.
Ipinabatid naman ng mga eksperto na puwedeng maabot ang herd immunity kung mayroong sapat na bilang ng populasyon ang mababakunahan laban sa virus.
Kasabay nito, maraming mapoproteksyunan na ibang tao laban sa pagkalat ng sakit.
Samantala, target aniya ng gobyernong mabakunahan ang nasa pitumpung milyong Pilipino para maabot ang herd immunity ngayong taon.— sa panulat ni Rashid Locsin