Kayang maabot ng Metro Manila ang herd immunity kung kakayanin na mabakunahan ang nasa 30,000 indibidwal araw-araw sa loob ng anim hanggang pitong buwan.
Ito ayon kay Dr. Guido David ng OCTA research group, ay kung pagtutuunan ng pansin ang NCR.
Kakayanin aniya ito ngayong taon kung sapat ang suplay ng bakuna at hindi magkakaproblema sa vaccine rollout ng pamahalaan.
Kung ang target naman aniya ng pamahalaan na mabakunahan ang 70% ng populasyon ng Pilipinas at dapat aniyang mapabakunahan ang nasa 300,000 Pilipino kada linggo sa iba’t ibang panig ng bansa.