Bultuhan ang pagdating sa bansa nang naselyuhang 40 million doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni National Task Force Spokesperson General Restituto Padilla kaya’t kung ano ang kaagad ma-poproduce ng Pfizer na bakuna ay kaagad ide-deliver sa bansa.
Sinabi pa ni Padilla na bago matapos ang taon ay inaasahan ang herd immunity dahil dagsa na ang bakuna na maaaring iturok sa mga Pilipino lalo pa’t target ng gobyerno ang limandaang libong mababakunahan kada araw.
Hindi po siya one trans, kasi magagamit po ito sa production facility… so kung ano man po yung na-iset aside nila para sa atin so siguro mga isa dalawang milyon kada delivery yan ang siyang darating po. Tamang-tama lang po ‘yon kasi ‘yung ating roll-out ay may tinatarget po tayo na mga bilang pagdating ng panahon na ‘yan ‘yung dagsa ng bakuna eh angkop dahil mag-iincrease na tayo ng roll-out rate natin sa 500,000 a day to more than that”, ani Padilla sa panayam ng Serbisyong Lubos sa Otso Otso Dos.