Duda ang University of the Philippines pandemic response team na maaabot ng Pilipinas ang target na ‘herd immunity’ sa katapusan ng taon.
Ayon kay Dr. Jomar Rabajante, spokesman ng UP pandemic response team, nasa 11 hanggang 12 percent pa lamang ang fully vaccinated sa buong bansa at marami pa sa probinsya ang hindi pa binabakunahan.
Isa aniya sa dahilan nito ang kakulangan sa vaccine supply kaya’t kahit handa at may sapat na mga pasilidad o tauhan ang mga lokal na pamahalaan, wala pa rin itong silbi kung kapos sa bakuna.
Idinagdag pa ni Rabajante na hindi rin madaling maabot ang herd immunity lalo’t hindi pa maaaring bakunahan ang kabataan na dinadapuan din ng COVID-19.—sa panulat ni Drew Nacino