Tiwala si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na makakamit ng Metro Manila ang ‘herd immunity’ pagdating ng buwan ng Disyembre.
Aniya, ito ay dahil sa inaasahang 87.5% ng kabuuang populasyon ng rehiyon ang mababakunahan pagsapit ng nasabing buwan.
Ibinahagi ni Abalos na nasa 5,649,928 residente o 57.65% ng populasyon ng Metro Manila ang nakakumpleto ng bakuna hanggang nitong Setyembre 9.
Kaugnay nito, hiniling ni Abalos kay Pangulong Duterte ang posibilidad na bigyang-luwag na ang mga bakunado sa NCR. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico