Umaasa ang Pilipinas na maaabot ang target na bilang ng mga mababakunahan kada araw sa buwan ng Agosto.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kung maaabot ang target na bilang ay posibleng makamit ang herd immunity sa loob lamang ng 130 araw.
Ayon kay Duque, mahigit 392,000 ang naitalang mga nabakunahan kontra COVID-19 sa isang araw kung saan ito na ang pinakamataas nilang naiulat.
Samantala, ikinatuwa naman ni national Task Force Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. ang lumabas sa isang survey na maraming Pilipino ang nais na magpabakuna kontra COVID-19.
Sinabi pa ni Galvez na nasa 14-M na ang nakatanggap ng first dose kung saan nakapagtala ng 375,000 ang nabakunahan kada araw.