Handa na si Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up Herlene Nicole Budol sa kaniyang kauna-unahang international pageant na lalahukan sa Kampala, Uganda.
Sa Instagram post ng Beauty Queen, kaniyang ibinahagi ang isang bikini photo, kasabay ng paghingi ng suporta at panalangin sa kaniyang mga fans para sa gaganaping Miss Planet International 2022 sa darating na November 19.
Matatandaang pormal na inedorso ng Binibining Pilipinas si Budol kamakailan, para ipresenta ang Pilipinas laban sa iba pang mga kandidata na lalahok rin sa nabanggit na kompetisyon.
Sa ngayon, abala sa paghahanda si Herlene para sa sasalihang pageant kung saan, kaniyang ibabandera ang watawat ng Pilipinas.