Fierce and powerful ang peg ni Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up Herlene Nicole Budol sa kanyang 23rd birthday photo shoot.
Nag-ala Darna kasi si Herlene na hango sa kanyang idol na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na naging Darna rin noon.
Sinabi pa ni Herlene na natupad na ang pangarap niya na makapagsuot ng Darna costume sa kanyang kaarawan.
Pinasalamatan naman ng beauty queen ang kanyang mga pamilya, kaibigan, fans at kanyang manager sa pagsuporta ng mga ito sa kanyang birthday celebration.
Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 108,000 views ang ”Hipon as Darna, Marian Rivera version” vlog ni Herlene na mapapanood sa kanyang Youtube channel.