Nagsalita na si Herlene Budol hinggil sa kumakalat na video nila ni Miss Manila 2020 Alexandra Abdon sa social media.
Kasunod ito ng muling pag-ungkat ng netizens sa past issue ng dalawang beauty queen makaraang koronahan si Herlene bilang first runner-up sa Binibining Pilipinas 2022 nito lamang Hulyo a-31.
Nabatid na marami ang nagshare ng video kung saan minamaliit ni Abdon o mas kilala bilang si Miss Manila si Hipon noong host pa lamang ito sa isang entertainment show.
Matatandaang sa kumalat na video, sinabi ni Miss Manila na kahit magpa-pageant pa sa lugar ni Herlene ay hindi umano ito qualified dahil sa pagiging “Squammy” at “Iskwater” nito na nagresulta naman para masaktan at magalit ang mga taga-suporta ni Hipon.
Matapos makatanggap ng pambabash, dito na nilinaw ni miss manila na “scripted” ang kaniyang naging pahayag at napag-utusan lamang siya ng staff sa naturang show.
Samantala, sa pahayag naman ni Herlene, aminado siya na nasaktan siya sa naging pahayag ni miss manila pero wala siyang sama ng loob dito dahil nagkaayos na sila.
Ayon kay Herlene, wala talaga siyang balak na sumali sa pageant dahil diyos na umano ang nagplano para sa kaniyang magandang karera.