Kakatawan si Herlene Budol para sa Pilipinas sa pageant na Miss Planet International 2022.
Ayon sa Manager ni Budol na si Wilbert Tolentino, naging posible ang appointment dahil binili niya ang local franchise ng Miss Planet International, na siya ring nagbigay sa kanya ng otoridad na mamili ng representative.
Dagdag pa ni Tolentino, manghihingi sila ng permiso mula sa Binibining Pilipinas para payagan si Budol na makilahok.
Patuloy naman sa page-ensayo si Budol bilang bahagi ng preparasyon nito at Filipino pa rin ang lenggwaheng gagamitin.
Nakatakda namang ganapin ang kumpetisyon sa Kampala, Uganda sa buwan ng Nobyembre. —sa panulat ni Hannah Oledan