Mayroon umanong deal sa pagitan nina Pangulong Noynoy Aquino at kampo ni Cong. Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito ang duda ni Cong. Fernando Hicap, kasunod ng pag-abruba sa resolusyon ng house arrest ni Gng. Arroyo.
Sinabi ni Hicap na tutol siya sa house arrest ni Arroyo dahil naka-pending pa sa sandiganbayan ang plunder case nito.
Dagdag ni Hicap, hindi dapat pinayagan ng House Justice Committee ito lalo pa’t marami sa mga bumoto sa pagpayag ng nasabing house arrest ay mga ka-alyado ni Pangulong Aquino.
Subalit ayon naman kay Cong. Silvestre Bello III, ang may akda ng house arrest kay Gng. Arroyo, ang merito ng resolusyon ay batay sa kalusugan ng dating pangulo at ang hindi pagiging flight risk nito.
By Jill Resontoc / Avee Devierte