Resulta ng paggalaw ng tinatawag na “hidden fault” ang tumamang magnitude 6.1 na lindol sa bahagi ng Luzon noong nakaraang linggo.
Ayon sa PHIVOLCS, hindi nila nadedetect o natutukoy ang hidden fault dahil hindi lumitaw o rumerehistro sa ibabaw ng lupa ang paggalaw nito.
Paliwanag ni PHIVOLCS Geologist and Supervising Science Research Specialist Jeffrey Perez, kung may surface manifestation ang isang fault, maaari nilang kalkulahin ang haba nito maging ang lakas ng pagyanig na pwede nitong likhain.
Gayunman, sa kaso ng hidden fault, nalalaman lamang nila kung nasaan ito sa ilalim ng lupa pero hindi nila kayang tantyahin ito sa ibabaw dahil kinakailangan pa ng mas detalyadong pag-aaral.
Dagdag ni Perez, tulad aniya ang pagyanig sa Zambales sa nangyaring magnitude 7.2 na lindol sa Bohol noong 2013 na resulta ng hidden fault.