Lusot sa House Ways and Means Committee ang panukalang batas na nage-exempt sa lahat ng buwis na maaaring ipataw sa mga ipagkakaloob na pabuya at donasyon sa mga national athletes at coaches na sumasabak sa International Sports Competition.
Layon ng House Bill 9891 o ang “Hidilyn Diaz Act of 2021” na amyendahan ang Republic Act No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.
Ang panukalang batas ay binuo matapos ang makasaysayang pagkakasungkit ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas ni weightlifter Hidilyn Diaz.