Emosyonal ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz nang sorpresahin siya ng taong tumulong sa kanya sa bansang Malaysia.
Sa isang panayam, nagulat siya sa sorpresang tawag mula kay Janius Abdullah, Presidente ng Malasyian Weightlifting Federation na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makapagsanay ng 10 buwan.
Ayon kay Hidilyn, nagsilbi itong ama sa kanya noong sya ay nasa bansang Malaysia.
Kwento pa niya, ito ang bumili ng lahat ng mga kagamitan para sa kanyang pagsasanay at pinagmamaneho pa siya nito.
Ayon naman kay Abdullah, itinuring na nyang anak ang Olympian. — sa panulat ni Rex Espiritu.