Nakakuha ng star sa Eastwood City Walk of Fame sa Quezon City ang olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo.
Sa kanyang social media account, nagpasalamat ang Pinay weightlifter sa kanyang natanggap na karangalan.
Kasama ni Diaz ang kanyang asawa na si Julius Naranjo, gayundin ang iba pang mga personalidad gaya ng writer na si Ricky Lee at aktres na si Maja Salvador.
Ang naturang hollywood-inspired walk of fame ay itinatag ng yumaong star builder at master showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno.