Handa na si Olympian Gold Medalist Hidilyn Diaz para sa 2024 Paris Olympic Games.
Ayon kay Diaz, dalawang taon ang kaniyang ilalaan para muling masungkit ang gintong medalya ng bansa matapos ang huli nitong panalo noong 2021.
Iginiit ng atleta na kahit mahirap, kaniyang ipagpapatuloy ang pag-we-weightlifting para sa karangalan ng Pilipinas.
Una nang nanawagan si Diaz ng tulong para sa karagdagang pondo na gagamitin para sa panggastos, partikular na sa pagbili ng ticket ng kaniyang team na nagkakahalaga ng 100,000; pagkain; nutrition formula; at sports psychologist.
Bukod pa dito, nanawagan din ng suporta at dasal sa publiko si Diaz para sa kaniyang tagumpay laban sa ibang bansa.