Lumarga na ang dibdibang ensayo ni Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz bilang preparasyon sa pagsabak sa 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Ayon kay Diaz, ipinagpapatuloy niya ang pagsasanay sa Pilipinas at nakatutok sa sea games qualifier na inorganisa ng samahang weightlifting ng pilipinas na gaganapin sa Marso sa Bacolod City, Negros Occidental.
Ipagtatanggol ng kauna-unahang Pinay Olympic Medalist ang kanyang korona sa sea games sa Hanoi matapos siyang manalo noong 2019.
Sa ngayon ay magsasanay si Diaz sa Maynila pero nilinaw ng kanyang coach na si Julius Naranjo na mananatiling opsyon ang pagbabalik sa Malaysia upang ipagpatuloy ang build-up.
Nakasalalay anya ang desisyon sa pagsabak ni Hidilyn sa qualifying tournament.