Lilipad pa Kuala Lumpur, Malaysia sa susunod na buwan para sa panibagong training niya si Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz.
Ang nasabing training ay bilang paghahanda ni Diaz sa pagsabak sa World Championships sa Peru sa Nobyembre.
Sinabi ni Dating Congressman Monico Puentevella, Pangulo ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas paghahandaan na rin ni Diaz ang pagsabak sa Asian games sa Hanoi, Vietnam sa susunod na taon.
Matapos ang mga naturang Torneo, inihayag ni Puentevella na saka pa lamang magpapasya si Diaz kung itutuloy ang pagsabak sa 2024 Paris Olympics.