Balik bansa na ang kauna-unahang Pinoy Olympic Gold Medalist na si Hidilyn Diaz.
Si Diaz kasama ang kanyang team at ang grupo ni Skateboarding Bet Margielyn Didal ay dumating sa NAIA Terminal 2 sakay ng eroplano ng Philippine Airlines.
Una nang inihayag ni Diaz na excited na siyang makapiling ang kaniyang pamilya at maipakita rito maging sa mga Pilipino ang gold medal na nakuha mula sa 55kg. category ng Weightlifting sa Tokyo Olympics.
Kaagad nag courtesy call via zoom sa Pangulong Rodrigo Duterte si Diaz matapos lumapag ang eroplanong sinakyan nito mula sa Japan.
Ang grupo ni Diaz ay sasailalim pa sa pitong araw na quarantine bago tuluyang makauwi sa kani-kanilang pamilya partikular si Diaz sa kanyang mga mahal sa buhay sa Zamboanga City.
Bago tumulak pa Japan si Diaz ay stranded sa Malaysia noong isang taon pa dahil sa lockdown sa COVID-19.