Pinaghahandaan na ni Olympian Gold Medalist Hidilyn Diaz ang kaniyang magiging laban sa world championship na gaganapin sa Tashkent, Uzbekistan.
Makikita ang back to Malaysia photo ni Hidilyn na kaniyang ipinost sa kaniyang instagram account kung saan, muli siyang mag eensayo sa dating gym na kaniyang pinagtetrainingan bago siya sumabak noong 2021 Tokyo Olympics.
Itinanghal si Diaz bilang Olympic Weightlifter Gold Medalist noong Hulyo 26 makaraang maitala ang kauna-unahang kasaysayan ng bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero