Inaasahang uuwi na ng Pilipinas ang Tokyo Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz ngayong araw.
Ayon Kay Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino, base sa protocols sa itinakda ng Tokyo Olympics Organizing Committee, mandatory na umuwi na ng kanilang bansa ang isang atleta na natapos na sa laban .
Isa na rin sa rason ay nais na rin ni Hidilyn na makapiling ang kanyang pamilya na hindi nya nakasama sa loob ng isa’t kalahating taon.
Samantala, hindi magsasagawa ng nakagawiang grand home welcome dahil sa health and safety protocols na kailangan sundin.
Gayunman, tinapos ni diaz ang 97 taong paghihintay ng Pilipinas sa gintong medalya sa Olympics.