Ikinalungkot ni Senate Committee on Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking Chairperson Nancy Binay ang hidwaan sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Senador Binay sa DWIZ, sa loob ng mahabang panahon, ngayon lamang ulit naganap na naging magkaaway ang magkakamping Presidente at Bise Presidente noong halalan.
Hangad naman naman ng mababatas na tumigil na ang kaguluhan sa pulitika.
Samantala, Ayon kay Senador Binay, hindi siya nagulat sa ipinakitang asal ni VP Sara.