Aminado ang isang taga-suporta ni Senator Manny Pacquiao na ang posibleng pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-Presidente ang ugat ng hidwaan ng mambabatas at ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay dating Bacolod City Rep. Monico Puentevella, inakala ng ilang taga-PDP-laban ay susunod lamang si Pacquiao sa payong huwag tumakbo lalo’t anak ni Pangulong Duterte ang planong mag-Presidente.
Ang tunay anyang nagbabanggaan sa lumalawak na alitan ay sina pacman, na dating Presidente ng PDP-laban at Mayor Inday ng hugpong ng pagbabago.
Magugunitang pinatalsik noong Sabado bilang Presidente ng PDP-laban ang pambansang kamao at pinalitan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.
Gayunman, hindi ito kinikilala nina Senator Koko Pimentel, Pacquiao at mga kaalyado nito at iginiit na iligal ang nasabing halalan.—sa panulat ni Drew Nacino