Nabasag ang pinakamalaking Cylindrical Aquarium na matatagpuan sa Hotel Radisson Blue sa Berlin, Germany.
Nagdulot ng pagbaha ang higanteng aquarium na naglalaman ng nasa milyong litro ng tubig at 1,500 tropical fish.
Dalawang indibidwal naman ang nasugatan sa nangyari na agad ring naitakbo sa pagamutan habang karamihan naman sa mga isda ay namatay.
Inilipat naman sa ibang lugar ang ilang guest ng naturang hotel.
Samantala, patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang naging sanhi ng naturang insidente. —sa panulat ni Hannah Oledan