Pamamanhikan ng isang lalaki sa pamilya ng kaniyang girlfriend, nag-viral dahil sa agaw eksenang dambuhalang lechon na inihanda rito!
Ang buong kwento, alamin.
Nag-viral sa social media ang post ni Roxanne Renomeron tungkol sa katatapos lamang na pamamanhikan ng kaniya na ngayong fiancee na si Bobby at ng pamilya nito na ginanap sa Brgy. San Agustin sa Talibon, Bohol.
Sa post kasi ni Roxanne, agaw eksena at talaga namang kapansin-pansin ang handa nilang lechon dahil hindi maipagkakailang dambuhala ito at higit na mas malaki kumpara sa kalimitan nating nakikita.
Sa isang panayam, sinabi ni Roxanne na ang higanteng lechon ay mayroong timbang na umabot sa 90 kilos kung kaya naman ipinalagay na lang niya sa gitna ng kanilang bahay ang lechon dahil baka raw hindi kayanin ng mesa ang bigat nito.
Dahil over sa laki ang baboy, OA rin sa laki ang planggana na ginamit ng isang bisita na lalagyan ng lechon sa halip na gumamit ng plato!
Sa ngayon, mayroon nang mahigit sa 24k likes ang nasabing post, mahigit 31k shares, at mahigit 3k comments kung saan nagpaabot ng pagbati ang mga netizen sa couple, pero ang iba ay hindi pinalagpas ang pagkakataon na magkomento rin tungkol sa extra big na lechon.
Mayroon pang nagtanong kung maayos ba ang pagkakaluto nito na sinagot naman ng soon-to-be-bride na 100% na luto ang lechon.
Kung sa pamamanhikan pa lang ay bigatin na ang handaan, paano pa sa mismong kasalan kung saan ipagdiriwang ang pagmamahalan nila roxanne at bobby na inabot na pala ng sampung taon.
Ikaw, gugustuhin mo rin ba na maghanda ng ganito kalaking lechon?