Nabunyag na 10 drug lords na nakakulong sa National Bilibid Prisons o NBP ang ngayo’y nasa custody ng ISAFP o Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nanganganib ang buhay ng high profile inmates sa NBP kayat inilipat niya ito sa ISAFP.
Nakatakda anyang tumestigo ang mga sentensyadong drug lords partikular si Herbert Colangco sa imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagkakasangkot ni Senador Leila de Lima sa illegal drug trade sa loob ng Bilibid.
Handa na anya ang lahat kabilang na ang affidavits ng mga inmates na nagdedetalye kung paano kumokolekta ng drug money si De Lima sa Bilibid kasama ang di umano’y driver lover nito na si Ronnie Dayan.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre
‘Explosive’
Samantala, tiyak umanong malalaglag sa upuan si Senadora Leila de Lima sa mga ihaharap na testigong magdiriin sa kaniya sa isasagawang pagdinig ng Kamara.
Ito ang pagtitiyak ni House Speaker Pantaleon Alvarez matapos maliitin naman ang pagharap ni Edgar Matobato sa ipinatawag na pagdinig ni De Lima sa Senado.
Direktang pinaratangan ni Alvarez si Matobato bilang recycled witness dahil hindi naman talaga totoo ang presensya ng Davao Death Squad.
Kumbinsido rin si Alvarez sa motibo ng Senadora na pahinain ang gagawin nilang imbestigasyon hinggil sa pagkalat ng droga sa New Bilibid Prisons o NBP kung saan siya nakinabang noong siya’y kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).
By Len Aguirre | Ratsada Balita | Jaymark Dagala