Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang high-profile Korean fugitive sa Angeles, Pampanga.
Nadakip si Lee Sang Te noong Miyerkules sa isang hotel casino sa Angeles.
Ayon kay Immigration Spokesperson Atty. Elaine Tan, hindi naging madali ang pag-aresto sa Koreano dahil gwardyado umano ito ng mga armadong bodyguards.
Idinagdag pa ni Tan na matapos ang pag-aresto kay Lee, may mga nakiusap pa umano sa BI officials mula sa ibang ahensya ng gobyerno para pigilan ang pagdakip sa dayuhan.
Tikom naman ang bibig ni Tan kung sinu-sino ang mga opisyal ng gobyerno na nagtangkang magbigay ng proteksyon kay Lee na umano’y miyembro ng Korean mafia at may kinakaharap ding criminal charges sa kanilang bansa.
Batay sa rekord, nagsimulang magtago sa Pilipinas si Tan noon pang 2009.
October 4, 2013 nang magpalabas naman ang Bureau of Immigration ng summary deportation order dahil sa pagiging undocumented at undesirable alien ni Lee.
By Meann Tanbio | Bert Mozo (Patrol 3)