Uunahing ipamahagi ang mga bakuna ng Sinovac COVID-19 vaccine sa mga high risk areas.
Ito ay ayon kay health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ipamamahagi ang mga bakuna sa NCR plus bubble at ilang bahagi ng Central Luzon at CALABARZON.
Makakatanggap ng suplay ng bakuna ang iba pang mga local government units o lgu sa mga susunod na araw.
Dagdag pa ni Vergeire, posibleng simulan ang pamamahagi ng mga bakuna sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw ng linggo.
Habang paparating pa lamang sa bansa ang ibang bakuna tulad ng Sputnik V na mula sa Gamaleya institute ng russia.
Bukod dito, sinabi rin ni Vergeire na ibibigay ang bakunang Sputnik V vaccines sa mga lugar na kayang sundin ang storage requirements. —sa panulat ni Rashid Locsin