Dapat manatili sa general community quarantine (GCQ) ang mga itinuturing na high risk areas sa Metro Manila.
Ito ayon kay dating NEDA Chief Ernesto Pernia ay para hindi na kumalat ang COVID-19 o lumala pa ang sitwasyon.
Sinabi ni Pernia na dapat maging selective at hindi absolute ang paglalagay ng mga lugar sa bansa sa MGCQ partikular ang Metro Manila.
Uubra naman aniyang mag MGCQ ang low risk areas sa Metro Manila subalit dapat manatili sa GCQ ang mga high risk areas.
Inihayag pa ni Pernia na naiintindihan niyang interconnected ang mga lungsod sa Metro Manila kayat kailangang bumuo ng plano ang local government officials para ma minimize ang interaction ng MGCQ cities at GCQ naman ang katabing lugar bukod sa kailangang mas maging maingat ang lahat.
Una nang inihayag ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na siyam na mayor sa NCR ang pumabot sa MGCQ at walo naman ang bumoto para sa GCQ status ng kalakhang Maynila.