Napanatili ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas nitong satisfaction rating para sa huling bahagi ng 2016.
Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS, 77 porsyento ng mga Pinoy ang kuntento sa performance ng Pangulo, 13 porsyento lamang ang hindi kuntento habang 10 porsyento ang undecided.
Katumbas ito ng positive 63 percent na satisfaction rating na mas mababa lamang ng isang porsyento kumpara sa positive 64 percent satisfaction rating noong Setyembre.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Disyembre 3-6 sa may 1,500 respondents sa buong bansa.
By Ralph Obina