Matagal pang tatamasain ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas nitong satisfaction ratings.
Ayon sa Political Analyst at Professor na si Ramon Casiple, ito marahil ay dahil sa maraming nakikitang magandang ginagawa ang administrasyon sa mata ng mayorya.
Naniniwala din si Casiple na malaking bentahe ng popularidad ng Pangulo ang background nito bilang dating alkalde ng Davao City.
Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS, napanatili ni Pangulong Duterte ang very good net satisfaction rating nito na nasa positive 56.
“Mayor kasi is usually ‘yung ine-expect na gagawa ng mga immediate na desisyon, hindi ‘yan puwedeng manahimik kung may mga nangyayari, halimbawa ‘yung usapin sa Boracay, very popular, matagal na kasing issue ‘yan na walang ginawa ang ibang administrasyon, palala na ng palala ang lugar na ‘yan.” Pahayag ni Casiple
(Balitang Todong Lakas Interview)