Pitumpu’t dalawang porsyento ng matatamis na pagkain ang mina-market o inaalok sa mga batang edad tatlo pababa sa Southeast Asia.
Sa isang pag-aaral na sinuportahan ng UNICEF at mga partner ng Consortium for Improving Complementary Food in Southeast Asia, lumabas na inaalok sa edad anim na buwan hanggang tatlong taong gulang ang mga maaalat at matatamis na pagkain.
Batay din sa pag-aaral, nabulgar na halos 90% ng mga nakalagay sa label ng mga produkto sa Southeast Asia ay maaaring misleading o hindi totoo.
Kaugnay nito, 79% ng mga nanay sa mga urban centers ay ibinibigay ang mga naturang produkto sa kanilang mga anak araw-araw. - sa panulat ni Charles Laureta