Target ng Philippine National Police (PNP) na unahin sa kanilang mas pinaigting na kampanya kontra illegal drugs ang mga high value targets.
Ayon kay Acting PNP Chief Lt. General Archie Gamboa, inatasan na nya ang lahat ng regional offices ng PNP na isumite ang pangalan listahan ng 10 nangungunang high value target sa kanilang rehiyon.
Ito anya ay ang mga personalidad o grupo na sangkot sa trafficking ng illegal drugs na nasa 50-kilo o mahigit pa.
Tiniyak ni Gamboa na kasama pa rin sa prayoridad nila ang pagtukoy at pagsupil sa mga high value targets sa national level.