Itinaas na ng Taiwan sa pinakamataas na lebel ang pagtugon sa pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Mismong si Taiwanese Prime Minister Su Tseng Chang ang nag-anunsyo sa desisyon sa isang cabinet meeting.
Bunga ito ng kalat na kaso ng community transmission ng COVID-19.
Umabot na sa 32 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Taiwan, isa rito ang napaulat na nasawi.