Magiging mas istrikto na ang Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa pagpapatupad ng batas trapiko sa kahabaan ng EDSA simula sa Lunes.
Ayon kay HPG Chief Superintendent Arnold Gunnacao, warm-up lamang ang kanilang ginawa ngayong linggong ito kung saan sinita lang nila ang lumalabag na motorist.
Ngunit sa darating na linggo ay mag-iisyu na umano sila ng traffic violation tickets sa mga pribadong motorista na papasok at sisingit sa yellow lane na naka-reserve naman sa mga pampasaherong bus.
Bagama’t naging kuntento umano si Pangulong Benigno Aquino sa kanilang unang linggo sa EDSA, sinabi ni Gunnacao na positibo silang mas maiaayos pa nila ang daloy ng EDSA sa darating pang panahon.
Aniya, may mga bagong traffic measures silang ipapatupad para magtuloy-tuloy ang magandang daloy ng trapiko tulad ng bagbabawas ng u-turn slot sa kahabaan ng EDSA.
By Rianne Briones