Halos tripleng ingat na ang ginagawa ng mahigit 18,000 Pinoy health workers sa United Kingdom dahil sa panibagong variant ng coronavirus sa bansa.
Sa gitna na rin ito ng anunsyo ni British Prime Minister Boris Johnson na pagpapatupad muli ng nationwide lockdown habang nagkukumahog na mabakunahan ang lahat ng kanilang constituents para ma-flatten din ang curve kaugnay sa naunang uri ng coronavirus.
Inamin ng Pinoy nurses ang higit na pangamba sa ikalawang strain ng coronavirus sa gitna na rin ng patuloy na pag a adjust sa unang strain ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinabatid ng Pinoy nurses ang pagsailalim sa tier four na pinakamataas na alarm level bago pa man inanunsyo ang lockdown, samantalang nakadepende sa rate ng COVID-19 infections at threats ng area ang category ng nasabing alarm level.
Kabilang sa tier four ang ‘stay at home’ order, gayundin ang pagsasara ng lahat ng non-essential shops tulad ng indoor entertainment venues, gyms, indoor swimming pools, indoor sports courts at dance studios.
Restricted ang galaw ng tao na maaari lamang makipagkita sa iba, indoors, kung kasama nila sa bahay ang mga ito o bahagi ng kanilang support bubble.