Mahigit 1.2 million doses ng bakuna ang naipamahagi ng Philippine Red Cross (PRC) COVID-19 sa pamamagitan ng Bakuna Bus at Centers.
Sa datos ng Red Cross, aabot na sa higit 76,000 katao ang fully vaccinated habang mahigit 51,000 ang naturukan ng booster dose sa mga nasabing pasilidad.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, sisikapin nilang maabot ang komunidad sa pamamagitan ng Bakuna Buses, Bakuna Teams at Bakuna Centers.
Ito’y upang mabakunahan ang mga indibidwal na nag-aalangan pang magpaturok ng COVID-19 vaccines.
Aabot na sa 20 Bakuna Bus ang idineploy ng PRC sa buong bansa. —sa panulat ni Jenn Patrolla