Naturukan na vs. COVID-19 ang 1,477,757 milyong Pilipino ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque simula nang umarangkada ang pagbabakuna sa bansa nitong Marso.
Batay sa pulong balitaan ni Roque nitong linggo, 1,279,223 ay nakatanggap pa lamang ng unang dose ng bakuna habang 198,534 naman ang naturukan na ng ikalawang dose.
Ayon naman kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje nasa 80% pa lamang ang mga nabakunahang health workers o may eksaktong bilang na 960,191 batay sa tala nitong Abril 17.
Habang 128,018 naman ang bilang ng mga senior citizens na bakunado na at 176,305 katao naman na may comorbidities o may kondisyong pangmedikal o karamdaman ang nakatanggap na ng COVID-19 vaccines.
Samantala, sa ngayon mayroon nang 3,025,600 suplay ng bakuna ang bansa kabilang na ang ikalawang dose ng bakuna kontra COVID-19.—sa panulat ni Agustina Nolasco