Nasa 1.34 na milyon ang naitala ng Social Security System (SSS) na Overseas Filipino Worker (OFW) member nuong Hunyo na mas mataas ng mahigit 800,000 mula sa parehong buwan ng nakaraang taon.
Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, maraming pilipino pa rin ang desididong magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang pangangailangan at makatulong sa muling pagbangon ng ekonimoya.
Pinaalalahanan naman ni Ignacio ang mga miyembro na laging mag-remit ng kanilang mga kontribusyon
Base sa Republic Act (RA) 11199, kompulsaryo ang coverage ng lahat ng sea-based at land-based OFWs sa SSS.
Kasama rin dito ang lahat ng benepisyo sa ilalim ng Social Security Act ng 2018 kagaya ng sickness, maternity, disability, unemployment, retirement, death, at funeral para sa mga OFWs.