Pumapalo sa 1, 509 minors ang nabakunahan sa unang linggo nang paglalatag ng pediatric vaccination.
Ito ay matapos ihayag ni health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na matagumpay ang pilot vaccination sa mga edad 15 hanggang 17 na mayroong comorbidity.
Samantala, ipinabatid ni Vergeire na kinu-kumpleto pa ng DOH ang assessment sa mga binakunahang unang batch ng mga kabataan taliwas sa mga report na ilan sa mga ito ang nakaranas ng side effects matapos maturukan ng bakuna kontra Covid-19.