Mahigit isang milyong doses ng Pfizer-Biontech COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa nitong Miyerkules.
Ang 1,082,250 doses ng Pfizer vaccines ay binili ng pamahalaan sa Estados Unidos.
Nakalaan para sa ikalawang phase ng national vaccination days ang naturang mga bakuna kung saan layon ng pamahalaan na makamit na ang 54 milyong target na fully vaccinated na mga Filipino bago matapos ang taon.