Dumating na sa bansa ang mahigit isang milyong Pfizer COVID-19 vaccines.
Nasa kabuuang 1,109,900 doses ang tinanggap ng bansa na binili ng gobyerno sa manufacturer ng Pfizer- Biontech.
Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, lumapag ang naturang bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dakong alas-8 kagabi.
Sinabi ni Assistant Secretary Wilben Mayor, pinuno ng National Task Force Against COVID-19 Strategic Communications on Current Operations, mahigit 139 na milyong dosis ng mga bakuna ang dumating sa bansa.
Sa ngayon aniya, nasa halos 34 na milyon na ang bilang ng mga fully vaccinated na habang nasa 43.8 milyon na ng mga indibidwal ang nakatanggap na ng first dose.