Pumalo na sa tatlompung porsiyento o mahigit isang milyon ang bilang ng mga college students na nakatanggap ng kanilang first-dose Covid-19 vaccine.
Ayon kay Commission on Higher Education Chairperson Prospero De Vera III na mga bakunadong estudyante at school personnel lamang ang papayagan sa limited in-person classes.
Ito’y matapos magbigay ng joint statement ang left-leaning groups na pinuna ang aksiyon ng CHED at Department of Education na kulang umano and dalawang institusyon sa “key health protection measures”.
Ani De Vera tuloy-tuloy ang school-based vaccination ng higher education institutions simula Oktubre, dagdag pa nito sa Nobyembre at Disyembre nakatakdang masimulan ng CHED ang target na pagbabakuna sa mga college students.
Samantala sinabi rin ni De Vera, na mayroong 24-page joint guidelines ang CHED-DOH at hinikayat ang kumukuwestiyong grupo na basahin ang lahat ng nakapaloob dito. —sa panulat ni Joana Luna