Sugatan ang 12 indibidwal matapos ang naganap na pamamaril sa loob ng isang shopping mall sa Columbia, South Carolina nitong Sabado.
Sampu sa mga ito ang tinamaan ng putok ng baril, 8 ang isinugod sa ospital, 2 ang nasa kritikal na kondisyon nasa stable condition naman ang anim pang biktima na nasa edad 73 hanggang 15.
Habang dalawa katao pa ang nasugatan sa isang “stampede” ng mga taong na tumatakbo upang makaalis mula sa insidente.
Ayon kay Columbia Police Chief William Holbrook ang naturang insidente ay mula sa isang grupo ng mga armadong indibidwal na magkakilala.
Gayunman ayon sa mga otoridad nanatiling malabo sa ngayon ang detalye kaugnay sa naganap na pamamaril.